Tungkol sa

Ang Samahan para sa Tulong sa Manggagawa ng Oregon ay isang network ng mga organisasyong nakabatay sa komunidad sa buong estado na nagbibigay ng direktang tulong sa mga imigrante at refugee sa Oregon at bumubuo ng mga sistema na sumusuporta sa mutual na kaunlaran para sa lahat.
Mahigit sa 100 organisasyon sa buong estado ang lumahok sa outreach at screening kasama ang Tulong sa Manggagawa ng Oregon. Sa pamamagitan ng direktang pamamahagi ng tulong, nagagawa nilang buoin ang kanilang pinagkakatiwalaang ugnayan at mahusay na maabot ang mga miyembro ng komunidad na hindi kasama sa iba pang tulong. Sa pamamagitan ng kanilang trabaho, pinalawak ng mga grupo sa pag-navigate ang kanilang kapasidad, pinalalim ang kanilang mga ugnayan, at pinalalakas ang pagkakakonekta sa komunidad. Sa panahon ng krisis at kaunlaran, ang mga taga-Oregon ay nakikinabang sa matibay na ugnayan sa pagitan ng kalapit na lugar. Dinisenyo at ipinatupad ng komunidad at para sa komunidad, ang Tulong sa Manggagawa ng Oregon ay nakakatugon sa mga agarang pangangailangan sa buong estado habang pinapalakas ang katatagan ng komunidad para sa hinaharap. Ang mga susi sa tagumpay ng Tulong sa Manggagawa ng Oregon ay ang pagpapaunlad ng malalim na pakikipagtulungan sa koalisyon, paggamit ng disenyong pinangungunahan ng komunidad, at pagbuo at pagbabahagi ng mahusay na in-house na kaalaman sa teknolohiya. Sama-sama, ang mga salik na ito ay nagbibigay-daan sa amin na ilipat ang kapangyarihan, tugunan ang mga epekto ng mga batas sa imigrasyon na nagpapanatili sa mga tao sa isang estado ng walang hanggang legal na precarity, at muling isipin ang mga sistemang pinansyal na pumipigil sa mga tao sa pag-iipon ng yaman.
Mga ilang katotohanan
- Sa bawat sampung imigranteng bata sa Oregon ay may isang kasamang miyembro ng pamilya na hindi dokumentado.1
- Malaki ang naiaambag ng mga imigrante sa ekonomiya ng Oregon.
- Isa sa walong manggagawa sa Oregon ay imigrante, kung saan ay kabilang ito sa lakas paggawa ng Estado para umusad ang industriya.2
- Ang mga ‘di dokumentadong imigrante sa Oregon ay nagbabayad halos ng 81 milyong dolyares kada taon sa pamamagitan ng buwis sa Estado at sa Local.3
- Mahigit sa 13 porsiyento (13%) ng lakas paggawa sa Oregon ay mga imigrante.4
- Noong taong 2015 mahigit sa 28,000 na imigranteng negosyante ang kumita ng $470.6 milyong dolyares.
- Noong taong 2014 ang mga sambahayang imigrante ay nakapagbayad ng 2.5 bilyong dolyares ($2.5 billion) sa pamamagitan ng Federal at State taxes.
Narito ang mga highlight ng mga nagawa nating magkasama noong 2022:
- Halos 77,607 taga-Oregon ang nakatanggap ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng isa o marami pang programa ng Tulong sa Manggagawa ng Oregon.
- Kabuuang Distribusyon ng Pondo ng Tulong sa Manggagawa ng Oregon mula noong Mayo 2020: $136.2M ang ipinamahagi
- Nagbigay ng pinansyal na tulong ang Pondong Tulong sa Manggagawa ng Oregon sa bawat county sa Oregon.
Nagbigay ang Pondo para sa Quarantine (Quarantine Fund) ng pansamantalang tulong na hanggang $1,290 sa mga manggagawa na nasa agrikultura na kailangang mag-quarantine dahil sa pagkakalantad sa COVID-19. Nagbigay ito ng 14.5 milyon sa higit sa 11,000 manggagawa sa Oregon. Ang Pondo para sa Quarantine ay nagsara na noong 2022.
Ang maliliit na negosyo ay ang pundasyon ng ekonomiya ng Oregon, at lumilikha ang mga negosyong pag-aari ng imigrante ng mga trabaho at malaki ang kontribusyon sa mga lokal na ekonomiya. Ang mga restriksyon sa COVID-19 at ang mga biglaang pagbabago sa ekonomiya ay napakahirap para sa maliliit na negosyo na mag-navigate, at ang mga programa sa pagtulong na tumulong sa ibang negosyo na makaahon ay madalas na iniiwan ang mga negosyo ng imigrante. Gumawa ng malaking pagkakaiba ang Pondo para sa Maliliit na Kompanya (Small Enterprise Fund) sa pamamagitan ng pamamahagi ng $11.7 milyon sa 993 negosyong imigrante sa buong estado bago matapos noong Setyembre 2022.
Mahigit sa isang daang Oregon Community Partners ang nagsama-sama para buuin ang Oregon Workers Relief Fund (OWRF) upang matulungan ang mga imigranteng taga Oregon na patuloy na pinababayaan ng Estado sa gitna ng matinding krisis.















Tignan ang buong koalisyon at mga endorsers
1 https://www.ocpp.org/2020/04/06/oregon-immigrant-workers-excluded-federal/
2 https://www.americanimmigrationcouncil.org/research/immigrants-oregon
3 https://www.ocpp.org/2017/04/17/undocumented-workers-pay-taxes/
4 https://www.migrationpolicy.org/data/state-profiles/state/workforce/OR