T. Ano ang Small Enterprise Fund?

Ang Small Enterprise Fund ay isang inisyatiba ng Oregon Worker Relief na may suporta mula sa Estado ng Oregon upang magbigay ng mga kaloob hanggang $25,000 sa mga kwalipikadong micro, napakaliit, at maliit na negosyo sa Oregon na naapektuhan ng COVID-19 o kaugnay sa mga paghihigpit sa pangkalusugan at pangkaligtasan at sa mga karaniwang hindi maka-access ng federal relief dahil sa katayuang pang-imigrasyon ng mga may-ari.

T. Paano ako makakapag-apply para sa kaloob mula sa pondo?

Maaaring mag-apply ang mga karapat-dapat na may-ari ng negosyo sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-888-274-7272. Ang impormasyon tungkol sa kung paano mag-apply ay makukuha sa www.Www.WorkerRelief.org simula Marso 8, 2021 hanggang sa maubos ang mga pondo. Ang isang sinanay, community-based na nabigador ay susuportahan ang aplikante sa pagproseso. Pinoproseso ang lahat ng mga aplikasyon sa pamamagitan ng isang universal online statewide system.

T. Kailangan ko bang magpasa ng dokumentasyon upang mapatunayan ang pagmamay-ari ng negosyo? Kailangan bang magpasa ang mga negosyong maraming nagmamay-ari para sa isang may-ari o para sa lahat?

Ang bawat aplikante ay dapat patunayan na sila ay ang mayorya na nagmamay-ari ng mahigit sa 50% ng negosyo at isa siyang ITIN-holder o nagtataglay ng katulad na katayuan. Kung ang negosyo ay pagmamay-ari ng higit sa isang tao, dapat ibigay ang patunay ng pagmamay-ari ng lahat ng mga may-ari. Tanging ang isang may-ari ng negosyo ang maaaring mag-apply. Isang kaloob lamang ang magagamit sa bawat negosyo. Ang isang aplikante ay hindi maaaring mag-apply ng higit sa isang negosyo.

T. Paano kung wala akong ITIN?

Ang karapat-dapat na negosyo ay dapat na mahigit sa 50% na pagmamay-ari ng isang ITIN-holder o katulad na indibidwal. Ang mga imigrante na may mahigpit na Social Security Number (halimbawa, para sa mga layunin ng Work Authorization o sa ilalim ng DACA) ay maaari ding maging karapat-dapat hangga’t ang indibidwal ay hindi nakatanggap ng federal relief mula sa mga programa ng pederal tulad ng Programang Paycheck Protection.

T. Paano pagpapasyahan ang mga aplikasyon?

Pagpapasyahan ang bawat aplikasyon depende sa bawat kaso. Magparehistro ang mga interesadong aplikante upang mag-apply sa pamamagitan ng statewide na call-center o sa pag-navigate ng kalahok na community-based na organisasyon. Pagkatapos magparehistro (tinatawag na “pila”), mai-interview ang aplikante sa pamamagitan ng nabigador mula sa kalahok na community-based na organisasyon. Mangongolekta ang nabigador ng impormasyon at dokumentasyon at ipapasa ang aplikasyon pagkatapos. Pagkatapos ipasa, susuriin ang aplikasyon ng dalubhasa ng komite na gagawa ng rekomendasyon para sa mga pagkakaloob. Aabisuhan ang mga aplikante tungkol sa katayuan ng kanilang mga aplikasyon at, kung nakita na karapat-dapat, kakailanganin silang magpasa ng impormasyon sa pagpapatunay ng banko, isang W-9 na tax form, at nilagdaang kasunduan ng kaloob o grant agreement. Ibibigay ang priyoridad sa mga negosyong nagdusa sa makabuluhang pagbaba ng mga benta o kita dahil sa COVID na pandemya at sa micro at napakaliit na mga negosyo.

T. Ano ang mga pangunahing petsa para sa mga aplikasyon?

Pinoproseso ang mga aplikasyon sa rolling basis simula Marso 8, 2021 hanggang maubos ang mga pondo. Magagamit ang karagdagang mga detalye sa website ng Oregon Worker Relief sa www.WorkerRelief.org.

T. Ano ang karapat-dapat na mga negosyo?

Uunahin ng pondo ang nakabase-sa-Oregon na micro-enterprises, napakaliit na mga negosyo, at maliliit na negosyo na hindi maka-access ng federal relief. Ibabatay sa laki ng iyong negosyo ang mga katergorya sa pagkakaloob. Inilaan ang pondong ito upang magbigay ng suporta sa mga may-ari ng negosyo sa Oregon o mga operator na nag-aambag sa ating pinagsama-samang pag-unlad at hindi magawang ma-access ang iba pang uri ng relief dahil sa pag-uuri ng federal sa imigrasyon. Tinukoy ng OWRF Coalition ang pagiging karapat-dapat ng mga negosyo batay sa kanilang taunang kita. Para sa mga layunin ng pagiging karapat-dapat, tinutukoy namin ang negosyo bilang:

● Isang negosyo sa Oregon ang micro enterprise na may taunang tubo na mas mababa sa $50,000.

● Isang negosyo sa Oregon ang napakaliit na negosyo na may taunang tubo sa pagitan ng $50,000 at $100,000.

● Isang negosyo sa Oregon ang maliit na negosyo na may taunang kita sa pagitan ng $100,000 at $1 milyon.

Ang karapat-dapat na negosyo ay dapat na (a) nakarehistro sa Kalihim ng Estado ng Oregon, kung kinakailangan na gawin ito, (b) nakabase sa Oregon at nagnenegosyo sa Oregon at nagmamay-ari ng, hindi bababa sa 50%, ng isang ITIN-holder o katulad na indibidwal.

Hindi karapat-dapat ang isang negosyo kung ito ay pangunahing nakikibahagi sa pampulitika o pangangalakal o lobbying na mga aktibidad, ay isang pasibo o pamumuhunan na negosyo, isang negosyong pampinansyal na pangunahing nauugnay sa negosyong pagpapautang, isang negosyong nauugnay sa anumang iligal na aktibidad sa ilalim ng pederal, estado, o lokal na batas, o isang negosyong nauugnay sa aktibidad na labag sa pampublikong patakaran.

T. Karapat-dapat ba ang sole proprietor?

Oo. Ang sole proprietorship ay ang pinakasimpleng uri ng negosyo kung saan isinasagawa ng isang indibidwal ang negosyo. Personal na mananagot ang may-ari ng negosyo para sa mga obligasyon ng negosyo. Ang mga sole proprietor ay hindi kailangang magrehistro sa Business Registry maliban kung gumagamit sila ng ipinapalagay na pangalan ng negosyo.

T. Paano kung sarado ang aking negosyo dahil sa COVID?

Kung pansamantalang isinara ang iyong negosyo dahil sa utos ng Oregon o ng lokal na pangkalusugan at pangkaligtasan (halimbawa: mga gym at spa), ngunit may kakayahan sa pananalapi at balak na muling magbukas, maaari kang maging kwalipikado. Kung permanenteng nagsara ang iyong negosyo nang walang plano na magbukas muli, hindi ka kwalipikado.

T. Ano ang magagamit sa mga kaloob na ito?

Maaari lamang gamitin ang kaloob upang tulungan ang pagbawi ng negosyo mula sa mga epekto na dulot ng pandemyang COVID-19 o ang mga utos ng pangkalusugan at pangkaligtasan ng pampublikong kalusugan, sa kondisyon na hindi pa nasasakop ang mga gastos na iyon ng iba pang mga kaloob, pautang, o relief. Hindi maaaring gamitin ang kaloob para sa mga personal na gastusin o bayarin na walang kaugnayan sa pagbawi ng negosyo mula sa mga epekto ng COVID-19.

T. Anong uri ng dokumentasyon ang kakailanganin?

Ang bawat aplikante ay dapat magpasa ng ebidensya na nagpapakita ng pagmamay-ari at pangunahing pagpapatakbo ng negosyo sa Oregon, katayuan bilang isang ITIN-holder o katulad na katayuan, pagkakakilanlan, at katibayan ng epekto sa pananalapi batay sa pandemya. Maaring kasama sa ebidensya ang sumusunod (hindi ito kumpletong listahan, bibigyan ang mga karapat-dapat na aplikante ng mga tagubilin sa uri ng impormasyong kinakailangan at kung paano maghanda ng malakas na aplikasyon):

– Katibayan ng isang negosyo sa Oregon:

– Dapat na sumunod ang negosyo sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro sa Estado ng Oregon o;

– Nakarehistro sa kani-kanilang County o Lungsod kung saan pinapatakbo ang negosyo o;

– May ebidensya ng pag-upa sa negosyo o;

– May katibayan ng pagpapatakbo ng negosyo sa Oregon

– Tandaan: Ang mga Sole proprietor na nagpapatakbo sa ilalim ng pangalan ng may-ari ay hindi kainakailangang magparehistro sa Estado ng Oregon at hindi kailangang magpasa ng karagdagang Pagpaparehistro. Kung hindi kasama ng pangalan ng negosyo ang buong ligal na pangalan ng may-ari ng negosyo, dapat na irehistro ang pangalan ng negosyo bilang ipinalagay na pangalan sa Business Registry ng Kalihim ng Estado. Tignan ang https://sos.oregon.gov/business/pages/select-business-name-structure.aspx para sa karagdagang impormasyon.

– Katibayan ng mga epekto ng COVID:

Pagkawala o pagbaba ng mga tubo o kita at/o;

– Pagkawala ng mga kliyente o kostumer at/o;

– Pagtaas ng mga gastos (halimbawa tumaas ang gastos mula sa pagbili ng Protective Personal Equipment, mga suplay sa paglilinis, karagdagang mga gastos para matugunan ang mga kinakailangan sa social distancing, atbp.) at/o;

– Kinakailangang isara ang negosyo dahil sa mga paghihigpit sa COVID na nakaapekto sa mga tubo

– Tandaan: Dapat mong maipakita na ang nasa itaas ay nakaapekto sa iyong negosyo pagkalipas ng Pebrero 1, 2020

T. Ano ang ibig sabihin ng “taunang tubo”?

Kasama lamang sa taunang mga tubo ang mga benta, natanggap at/o kita mula sa negosyo ng aplikante. Hindi kasama sa taunang tubo ang personal na kita ng mga aplikante. Halimbawa, kung ang aplikante ay may kita mula sa ibang trabaho o mapagkukunan, hindi ito kasama sa taunang tubo.

T. Gaano karami ang maaaring aplikahan ng aking negosyo?

Maaaring mag-apply para sa kaloob ang isang karapat-dapat na may-ari ng negosyo batay sa laki ng kanilang negosyo upang makabawi mula sa epekto ng pandemyang COVID-19 at kaugnay na mga utos sa pangkalusugan at pangkaligtasan. Ang mga kaloob ay mula sa $7,000 hanggang sa pinakamataas na $25,000.

T. Kailangan ko bang magbayad ng buwis sa proceeds ng kaloob?

Oo, sa pangkalahatan. Sa pangkalahatan, kita para sa negosyo ang mga kaloob. Inirerekomenda namin na kumunsulta ka sa iyong tagagawa ng buwis. Hindi maaaring magbigay sa iyo ng payo sa buwis ang SEF. Kinakailangan ang W-9 para sa lahat ng naaprubahang aplikasyon bago ang pagpopondo.

T. Paano ipapamahagi ang mga pondo?

Ang lahat ng mga kaloob ay ibabahagi sa pamamagitan ng direktang pagdeposito gamit ang platform ng pagbabayad ng Oregon Worker Relief. Dapat magkaroon ng napatunayang email address, isang mobile na telepono, numero ng ITIN, at nauugnay na bank account ang lahat ng aplikante. Dapat na nasa pangalan ng negosyo ang bank account o, kung sole proprietor, dapat na nasa pangalan ng aplikante. Ang lahat ng impormasyon ng bank account, kabilang ang may-ari ng account, ay patutunayan bago ang pagpopondo.

T. Ano ang mga kategorya ng kaloob?

Ang mga kategorya ng kaloob ay ang mga sumusunod: ang Micro-enterprise ay isang negosyo sa Oregon na may taunang tubo na mas mababa sa $50,000. Ang Napakaliit na negosyo ay isang negosyo sa Oregon na may taunang kita sa pagitan ng $50,000 at $100,000. Ang Maliit na negosyo ay isang negosyo sa Oregon na may taunang kita sa pagitan ng $100,000 at $1 milyon. Kasama sa mga priyoridad ng pondo ang mga nagtitinda sa lansangan, mga sole proprietor, mga malayang contractor, mga 1099 na manggagawa, mga establisimiyento ng pagkain at mga katulad na negosyo ng Oregon, pagmamay-ari o pinamamahalaan ng mga karapat-dapat na ITIN-holders o mga katulad na indibidwal na hindi nagawang ma-access ang tradisyunal na mga anyo ng relief dahil sa pag-uuri ng federal na imigrasyon.

T. Maaari ba akong mag-apply para sa pangalawang kaloob?

Hindi. Isang kaloob lamang ang mayroon para sa bawat negosyo. Maaari lamang mag-apply ang isang aplikante para sa isang negosyo. Kung nagpasa ka ng isang aplikasyon na tinanggihan sa paglaon, maaari kang magpasa ng pangalawang aplikasyon para masuri. Dapat mong ibunyag ang lahat ng mga naunang aplikasyon sa bawat pag-apply mo.

T. Kung nakatanggap ako o makatuwirang tumanggap ng mga benepisyo ng Paycheck Protection Program (PPP), karapat-dapat ba ako sa pondo na ito?

Marahil ay hindi, subalit isinasaalang-alang ang bawat aplikasyon sa bawat kaso. Inilaan ang pondo upang maghatid sa mga maliliit na may-ari ng negosyo sa Oregon na hindi naisama sa relief dahil sa pag-uuri ng pederal na imigrasyon. Hindi karapat-dapat ang isang negosyo kung nakatanggap sila ng anumang pagpopondo o kaloob mula sa pederal na Paycheck Protection Program. Maaaring karapat-dapat ka para sa SEF kung nag-apply ka para sa pagpopondo ng PPP ngunit hindi mo ito natanggap

T. Paano kung nakatanggap ako ng iba pang mga kaloob tulad ng mga kaloob mula sa isang lokal na hindi-pangkalakal?

Karapat-dapat ang isang negosyo hangga’t hindi ito nakatatanggap ng mga pondo mula sa PPP, subalit bibigyan ng priyoridad ang mga negosyong hindi nakatanggap ng mga makabuluhang pinagkukunan ng ibang tulong. Hindi maaaring gamitin ng isang negosyo ang kaloob upang pantakip sa mga gastusin sa pagbawi kung saan ay nakatanggap na sila ng kaloob mula sa mga programang pederal, estado o lokal.

Kung hindi ka sigurado sa iyong pagiging karapat-dapat, hinihikayat ka namin na mangyaring tawagan ang 1-888-274-7292 para kumpirmahin ang iyong pagiging karapat-dapat. Maaring maging karapat-dapat ka depende sa natatanging mga kalagayan ng iyong negosyo.