Paano Mag-apply

Para alamin pa at mag-apply, mangyaring tumawag sa 1-888-274-7292 Lunes-Biyernes sa pagitan ng 9 a.m. – 6 p.m.
Pondo para sa Matutuluyan
Katayuan: Bukas na
Ang Pondo para sa Matutuluyan ng Tulong ng Manggagawa ng Oregon ay magbibigay ng hanggang dalawang buwang upa sa mga imigrante na taga-Oregon na nawalan ng tirahan o nasa panganib na mapaalis.
Sino ang kwalipikado?
Kwalipikado kang mag-apply kung:
- Walang kasiguraduhan ang iyong pabahay o ikaw ay nasa panganib na makaranas ng kawalang-kasiguruhang pabahay
- Mayroon kang Individual Taxpayer Identification Number (ITIN) mula sa IRS o isang Social Security Number (SSN)
- Hindi ka kasama sa iba pang sistema ng suporta
Mag-iiba ang halaga ng pinansiyal na tulong na maaari mong matanggap depende sa iyong mga indibidwal na kalagayan.
Tandaan, libre ang pag-apply. Kung may humiling sa iyo na magbayad ng isang bagay, ito ay isang scam! Iulat ito sa info@workerrelief.org
Ang Pondong Tulong sa Manggagawa ng Oregon
Katayuan: Hindi tumatanggap ng mga bagong aplikasyon
Nagbibigay ang Pondong Tulong ng pinansyal na suporta sa mga taga-Oregon na nawalan ng sahod dahil sa COVID-19 at sa mga hindi kasama sa ibang programang pederal at estado dahil sa kanilang katayuan sa imigrasyon.Mga katangian at kalagayan para ikaw ay makatanggap ng ayuda:
- Labing walong (18) taong gulang at pataas;
- Nakatira sa Oregon
- Manggagawa sa Oregon bago pa mag Pebrero 1, 2020;
- Kung ikaw ay imigrante na nakatira sa Oregon na walang ligal na papeles sa pagiging imigrante
- Nawalan ng hanapbuhay nang dahil sa Covid-19 pandemia; at
- Nakakaranas ng kahirapan dulot ng pandemia.
Pondo para sa Pagbabago ng Klima (Climate Change Fund)
Katayuan: Hindi tumatanggap ng mga bagong aplikasyon
Ang Pondo para sa Pagbabago ng Klima ay nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga manggagawang nasa agrikultura na kailangang hindi magtrabaho dahil sa matinding init o usok.Sino ang kwalipikado?
Kwalipikado kang mag-apply kung:
- Nagsagawa ka ng gawaing pang-agrikultura sa Oregon mula noong Pebrero 1, 2020 o pagkatapos
- Kasama sa Agrikultura ang pagsasaka, pagla-landscape, pangingisda, pagtatanim ng puno, produktong gawa sa gatas, pagrarantso, pagpoproseso ng pagkain, pagkakatay, gawain sa nursery at marami pa.
- Nawalan ka ng trabaho o sahod dahil sa mga napakalaking apoy, matinding init, o usok
- Naapektuhan ka ng COVID-19
Upang maging kwalipikado, ang init o usok ay dapat umabot sa ilang partikular na antas ng panganib:
- Ang temperatura ay dapat umabot sa 90 degrees o mas mataas pa sa iyong tinitirhan o lugar ng trabaho.
- O ang index ng kalidad ng hangin (AQI) ay dapat na nasa 150 o mas mataas pa. Kung mayroon kang ilang partikular na kondisyon sa kalusugan, ang AQI ay dapat na nasa 100 o mas mataas pa.
Kahilingan para sa Impormasyon:
Kung nag-apply ka para sa alinman sa pondo ng Tulong sa Manggagawa ng Oregon at nakatanggap ng sulat o mensahe sa text na humihingi ng karagdagang impormasyon, mangyaring tawagan ang helpline sa 1-888-274-7292 upang ibigay ang impormasyon. Bukas ang helpline mula 9 a.m. – 6 p.m. Lunes hanggang Biyernes.
Mga Navigators na malapit sa inyo
















